Andrea’s POV Alas 9 na nang makaalis kami sa ground. Si Zandrick ang nagdala ng malaking box na iyon na tinutukoy ng coordinator kung saan naglalaman raw ang mga kailangan namin para sap ag-akyat ng bundok.’ Hindiako lumingon pa. Nauna akong naglakad sa kay Zandrick at kailanman ay hindi ko babalaking lingunin siya. Hindi ko alam pero hindi ko siya kayang tingnan nang diretso. Mahirap mang aminin sa sarili pero ang hubong katawan niya ang nakikita ko sa tuwing tinitingnan ko siya; ang posibleng nangyari sa amin sa gabing iyon ang pumapasok sa isipan ko sa tuwing nakikita ko o nararamdaman ang presensya niya. Ilang minuto rin akong naglalakad nang mamataan ko ang naglalakihang bato sa aming dinadaanan. Alam kong ito na yata ang tinutukoy ng coordinator na kailangan naming pagda