Andrea’s POV Alas sais nan ang makalabas ako ng aking opisina. Medyo matagal ang paglabas ko sa puntong ito dahil maraming akong nirereview mga papeles ngayong hapon. Iyong iba nga ay ipinabahala ko na lang sa aking secretary dahil alam kong hinding-hindi ko na iyong matatapos nang ako lang. I trust my secretary though kaya wala akong naging problema doon. Kahit credentials iyon ay malaki naman ang tiwala ko sa kanya kaya pinagkatiwala ko na sa kanya ang trabahong ako dapat ang gumawa n’on. Nang makarating akong parking lot ay unang hinanap ng mga mata ko ay si Zandrick. Dumiretso na ako sa pwesto kung saan alam kong doon nakapark ang sasakyan ni Zandrick. Sa pwesto na ito ko rin siya kanina pero napakunot ako ng noon ang makitang wala akong nadatnan doon. Ni kunting imahe ni Zand