Andrea’s POV “Hanggang kailan ba tayo magkakaganito, Zandrick? Hanggang kailan pa matapos ang lahat ng ito?” wika ko nang may pag-aalala sa aking boses. Hindi ko binalingan ng tingin si Zandrick at nanatili lang akong nakatingin sa bintana nitong kwarto kung saan tanaw ko ang malawak na ground nitong warehouse. Ang ground kung saan tinuro sa akin ni Zadnrick ang self-defense. Nakahiga pa rin kami ngayon sa kama. Tanging underwear lang ang suot ko sa aking katawan at alam kong ganoon rin si Zandrick. Ang kumot ang siyang nagsisilbing pantakip sa nakahubad naming katawan. Ni ramdam na ramdam ko ang init mula sa katawan ni Zandrick lalo pa at magkadikit kaming nakahiga sa kama sa mga oras na ito. “Hindi matatapos ang lahat ng ito, Andrea kung hindi tayo kikilos,” tanging sago