Andrea’s POV Kinabukasan ay maaga akong nagising. Sa sobrang excited ko ay ako ako na mismo ang nagluto ng umagahan namin ni Zandrick at ng mga bata. Hindi ko alam pero nawala ang pagod ko sa araw na ito. siguro nakatatak na rin sa isipan ko na babalik na ako sa trabaho, na babalik na ako sa kompanyang pinaghirapan ko noon pa man kaya masaya ako kahit papaano. Ilang taon rin akong nawala at hindi nagparamdam. I let Zandrick managed everything at alam kong sa ilang taong pagkawala ko ay malaki na ang pagbabago ng kompanyang kinagisnan ko noon pa man. “Bakit ang aga mo? Alas kuwatro pa,” hindi ako lumigon sa halip ay sa niluluto kong pagkain nakatuon ang aking atensyon. Sa puntong ito ay ramdam na ramdam ko ang kamay ni Zandrick na marahang pumapalupot mula sa aking likuran saka niya iyon