Zandrick’s POV “Mom! Pwede po ba akong makipaglaro sa labas? Kasama po ang bagong kong kaibigan mula sa school?” rinig kong wika ni Junior kay Andrea. Hindi ako nagsalita sa halip ay nanatili lang akong nakatingin sa kanilang mag-ina habang seryosong nag-uusap-usap. Hindi ko maiwasang mapangiti lalo pa at nasisiyahan akong habang lumalaki ang panganay ko ay mas lalo lang itong naging responsable sa bawat galaw niya. Habang lumalakli siya ay mas lalo ko lang nakikita ang sarili ko sa mga galaw at pananalita niya. I can forseen the young Zandrick Lanston. Hindi man tulad sa akin noong kabataan, ang buhay na mayroon ako noon pero alam kong mananatili pa rin sa dugo ng isang Lanston ang tikas at talino at alam kong taglay iyon ng panganay at ng iba ko pang mga anak. “Hindi pwede, Zandrick