Zandrick’s POV Kasama ang sampung tauhan na mayroon ako ay walang takot kong pinasok ang hide out ng dark mamba. Gamit ang aking cellphone kung saan nakatuon ang aking atensyon, sa GPS kung saan tinuturo nito kung saang room si Andrea ngayon. Bago ko pa man pinapabalik si Andrea sa kompanya nito ay nakaayos na ang lahat. I put a tracking device on her uniform at nang mamonitor ko kung saang lugar siya dinala ng dark mamba. Alam kong sa mga oras na ito ay nasa kmay na nila si Andrea at ngayon ay matapang kong sinundan ang lokasyon na siyang tinuturo ng tracking device. Madilim ang buong hotel. Hindi ko inakalang pagmamay-ari pala nila ang hotel na ito. Ilang beses na akong dumaan sa hotel na ito at ilang beses ko na rin itong mapansin at ngayon ay nandito lang pala sila. Hindi