Alas nueve na ng gabi kaya nandito na kami sa kuwarto. Nakayakap ako kay Skye habang nakaunan siya sa aking braso. Hindi ako makatulog dahil maraming mga bagay ang kasalukuyang tumatakbo sa utak ko. Hindi pa rin naman natutulog si Skye dahil nanonood pa siya sa kanyang iPad. “Pwede bang magtanong si mommy, anak ko?” maya-maya ay tanong ko dahil pakiramdam ko ay hindi ako mas lalong matatahimik kapag hindi nasagot ang tanong ko kahit isa lang. Na alam ko namang pwedeng masagot ng anak ko. “Go on, mom. What took you so long?” seryosong aniya habang tutok pa rin ang mga mata sa screen ng gadget na hawak. Hindi ko pinahalatang nagulat ako. Mukhang kanina pa niya hinihintay na magtanong ako. My son is smart indeed. “It’s about what happened earlier, sweetheart… is it okay to ask about th