Nalaman ko na lang kinabukasan na bumalik ng Brazil si Lateisha. Kaya pala sinabi niyang magiging busy na siya simula ngayong araw. She didn’t tell me. Why? Bumalik ako sa Manila at napansin ko si Alena na binati ako. Na para bang walang nangyari sa Cebu. Naging ganon ang set up namin ni Alena sa mga sumunod na buwan. Walang away. Umiiwas na siyang magkaroon kami ng away at hindi pagkakaintindihan. Palagi naman akong busy sa pagpapatakbo ng kumpanya kaya palagi rin naman akong wala. Pero most of the time, kasama ko lang sina Kiko at ang dalawa pa. There were times na tinatawagan ko si Lateisha para kamustahin siya. I never asked my wife how’s her day been. I don’t have any time for her. Siguro ay dahil dumating sa buhay ko si Lateisha. She’s all I wanted. It’s been half a year. H