“Paano kung malaman niya na ginamit mo lang siya?” Tanong ni Jann. “No one will know unless isa sa inyo ang magsabi sa kanya.” Wika ko. “Hindi ba unfair sa kanya?” Tanong ni Ross. “Are you even serious na gusto mo siya? Baka pinipilit mo lang ang sarili mo na gusto mo siya. Alam namin kung anong klase ng babae ang gusto mo. And Alena is far from the girl within your standards.” Dagdag pa niya. “Shut up. I made up my mind. I will keep her. I will propose to her sooner.” Wika ko sabay inom. Napailing na lang si Ross. “You’re out of your damn mind, Liam. Bago lang si Alena sayo dahil ngayon ka lang nakatagpo ng katulad niya. I must say na gusto mo nga siya. Pero hindi lang doon umiikot ang relasyon, let alone marriage.” Wika ni Ross. “What do you know about marriage? You haven’t even pr