Para akong ewan na naghihintay ng oras para magkita kaming muli ni Alena. Nakahiga ako sa kama at nakatitig na naman sa ceiling. Hindi ko na naatim at tumayo na ako para mag-ready. Nang matapos ay nagpunta na ako sa spot kung saan kami aksidenteng nagkita ni Alena kahapon. Dalawang oras akong naghintay and it was okay with me. Every second that I spend for Alena is all worth it. Dumating si Alena matapos ang dalawang oras and I smiled at her. Nawala ang pagkabagot ko sa paghihintay dahil nasilayan ko na naman ang ganda niya. “Ready ka na ba?” Tanong ko sa kanya. “Kanina pa.” Ngiti niya naman. Hmm. Siguro nahihiya lang siyang mauna sa akin dito kaya sinunod na lang niya ang oras. At least, gusto niya rin akong makasama. Napansin kong nakatitig siya sa katawan ko. I smirked. Kulay blue