“Lance, wait. May cctv.” Sambit ni Alena sa bawat paghalik ko sa labi niya. Lumayo ako ng konti at natawa. I forgot the cctv. “Sorry. Sinapian ako ng kung ano nung narinig ko si lola kanina.” Wika ko. Lumayo ako sa kanya at inayos ang sarili ko. Alena snorted. “Ang weird, ‘no? Napagkakamalian na tayong mag-boyfriend at girlfriend.” Aniya. Ngumiti siya na may lungkot sa kanyang mukha. “And we both know that we’re cheating on our partners at this very moment.” Dagdag pa niya. Hindi ako umimik. Nang mag-ding ang elevator ay nauna siyang lumabas. Sumunod naman ako sa likod likod. Habang nakatitig ako sa likod niya ay hindi ko maiwasang isipin na kung alam lang niya. Kung alam niya lang na gusto ko siyang agawin sa partner niya. I want her for myself. Gusto ko akin na lang siya. Gusto ko