“Nakakahiya naman kung hindi ako magbabayad ng renta sayo,” wika ni Alena. “Tsaka nasanay na rin ako dito sa bahay na ‘to. Lalo na nandito sina Melai.” Aniya pa. “What? Who said you’re going to pay me? It’s all free.” Sambit ko naman. Narito kami ngayon ni Alena sa kusina at kumakain. Nagluto siya ng adobo at dito na niya ako pinakain. “Hindi na. Mas maganda na dito na lang ako. May kaibigan naman ako dito. Si Melai. Mamimiss ko yung baby niya si Joshua.” Paliwanag ni Alena. “Hindi na ba talaga mababago ang isip mo?” Tanong ko. I look intently at her na para bang mababago no’n ang pasya niya. “Hindi na.” Wika niya. Tumahimik muna ako at nag-isip, then I looked at her again. “Then, ako na lang ang pupunta sayo,” wika ko. I’m such a martyr for letting myself to love the person who w