In the end, sinama rin ako ni Alena sa apartment niya. Pinakita ko sa kanya na concern ako sa kanya. Iyong mga pinagkait kong atensyon, aruga, pag-aalaga sa kanya noon ay pinaparamdam ko sa kanya ngayon para makuha kong muli ang loob niya. “Liam, desidido na ako. Gusto ko nang makipaghiwalay.” Aniya. Nasa kanya na pala ang mga papers. Sa loob ng lagpas isang buwan ay hindi ko pinipirmahan dahil ayaw ibalik sa akin ni papa ang mga naipundar ko. I will only sign those papers kapag binalik na niya sa akin. But everything had changed. And I won’t back down now. “Alena, alam kong may natitira pang pagmamahal sa puso mo para sa akin. Let’s start anew,” malambing kong sabi. “Liam, ayoko na,” nanghihina niyang sabi. Hinaplos ko ang kamay niya. Dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa kanyang