“Hindi mo na dapat ginawa yon.” Ani Alena. “Hindi mo ba nagustuhan ang ginawa ko?” Naiinis ako pero hindi ko pinakita sa kanya. “Hindi naman sa ganon. Nakakahiya kasi.. baka isipin nila na nagpapa-special ako..” nag-aalala niyang sabi. Nawala ang pagkainis ko sa kanya. Naiintindihan ko na siya. I felt bad for thinking negatively at her. “I’m sorry.. Hindi ko naman intensyon na ganon.” Wika ko. “Ayos lang. Biglang naging mabait sa akin ang operations manager. She hates me.” Umiiling niyang sabi habang nakangiti. “Really?” Sambit ko. She could hear the amusement in my voice. Tumango naman siya bilang sagot. She started to play with her fingers. “Ewan ko ba. Ang sabi sa akin ng mga katrabaho ko, hindi niya raw ako gusto dahil masyado raw akong papansin.” “What?” Mas lalo akong nagi