(Haylee) NAG-ANGAT si Dominic ng kanyang ulo kaya nagtama ang aming mga mata. Kitang-kita ko ang labis na galit at sakit na nakarehistro sa kanyang mukha lalo na sa kanyang mga titig sa akin. “Kahit ba sa simula pa lang, alam mo nang magkapatid kami ni Jiselle Hererra? Na magkapatid kami ng best friend mong nang-agaw ng fiance mo? Kailan mo pa ako nagsimulang lokohin? Kahit ba noong umpisa pa lang nakaplano nang lahat para lokohin at gamitin mo ako laban sa sarili kong kapatid?” Tuloy-tuloy na naglandas ang mga luha ko. Lahat ng init na ramdam ng katawan ko kanina ay napalitan ng matinding takot ngayon. Takot na dahil sa nalaman niya’y mawawala na siya sa akin, na lalayuan at itataboy na niya ako. Ayokong mangyari ‘yon, ayoko! He sighed hard. Dinig ko din halos ang kalabog ng puso niya