(Haylee) I COULDN’T figure out where my uneasiness comes from, gayong una pa lang ginusto ko din naman ‘to. Ang pagbigyan si Ian sa kahilingan niyang out of town trip, and for us also to give our broken relationship a second shot to rebuild it. I let him do the honor. I didn’t bring my car, sa kanya na lang ako sumakay at sumabay. Para saan pa ang pagpayag kong sumama sa kanya if I couldn’t even let him drive for us, ‘diba? Nasa General Santos City na kami nang tumigil muna siya sa isang gasoline station para magpakarga. Hinayaan naman niyang matulog lang ako nang matulog habang nasa biyahe kami. Namulat lang ako bigla at naalimpungatan nang maramdaman ko ang malakas na impact ng biglang pagpreno ni Ian na siguradong kung hindi lang ako naka-seatbelt ay nauntog na ang ulo ko