(Haylee) “IF only I could turn back time, Haylee. If only I could!” Bumuhos ang mga luha sa kanyang mga mata. “I would’ve not said those unkind words to him. Isang linggo matapos ko siyang away-awayin, dumating sa point na sobrang namiss ko siya. Sobra. Sobrang namiss ko na hindi ko na kinaya at magre-reach out na sana ako sa kanya. Handa na sana akong bawiin lahat ng masasakit na sinabi ko, talikuran ang insecuries at past painful experiences ko, and love him freely all the way that I can, and also trust him completely, kaya lang…” “Kaya lang ano, Leonor? Ipinagpalit ka na rin ba niya? May ibang babae ba?” She turned silent for a moment as she just smiled sadly. “If that was the case, siguro mas matatanggap ko pa.” Walang tigil pa rin sa pagragasa ang kanyang mga l