(Haylee) “HINAY-HINAY lang sa daan ha? Huwag makikipagkarera,” banayad kong bilin kay Dominic nang hinatid siya sa pinto. “Opo. Alam kong mas kailangan kong ingatan ang buhay ko ngayon lalo pa’t magkakaanak na tayo,” nakangiting tugon naman nito sa akin. He kissed my forehead and I closed my eyes as I accepted it with all my heart. “Pa’no ba ‘yan? Sigurado kang okay ka na ritong mag-isa for the meantime ha?” Tumango ako. Kahapon nagkaayos kami nang tuluyan ni Dominic, and we savored our moment being together again, patching up those times na nagkasira kami. Anyways, we still have forever to cope things up between us, and I’m gonna love him forever. He held my hand, determined. “Huwag kang mag-alala. Kakausapin ko ang ate Jiselle, and I will make sure na darating ang araw na m