(Haylee) PAGKAMULAT ko ng aking mga mata, ramdam ko kaagad ang banayad na pagkakahawak ni mama sa aking kamay habang mataman akong binabantayan dito sa hospital. ‘Ni hindi ko matandaan kung gaano na ako katagal na nakahiga at natutulog rito. “Anak, nagising ka na rin sa wakas!” masayang aniya. “Hale!” Pati sina Yvonne at Ian na nasa likod niya’y natuwa din. “Ma, kamusta na yung baby? Si Dominic, ayos na ba siya? Nagising na ba?” She gently squeezed my hand and positively smiled. “Wala kang dapat na ipag-alala. Ligtas na kayo ng anak mo. Nang mawalan ka ng malay, naisugod ka kaagad ni Ian dito sa hospital kaya hindi naman naapektuhan yung bata sa sinapupunan mo.” I saw Ian smiled and nodded. Ganoon din si Yvonne. “Katulad ng mommy ay strong din si baby sa tummy, kaya no worri