(Haylee) OUR first monthsary together finally came. Siyempre, napag-usapan naming dalawa na kahit private ang pag-celebrate namin dapat ay espesyal pa din. He even told me he prepared a cozy dinner date for us after our works. Kung saan, ‘yon ay surprise umano daw. Mataman akong naghihintay dito sa may waiting shed sa labas ng gate ng Montessori sa kanyang pagdating. Napagkasunduan din kasi naming siya na muna magdadala ng kotse niya at makikisakay na lang ako sa kanya saka siya na rin maghahatid sa akin pauwi ng bahay. Mga thirty minutes na yata akong naghihintay at ayoko mang maramdaman pero ramdam ko na talaga yung medyo pagkainis at pagkabagot dahil ang tagal niya sa napag-usapan naming oras na magkikita. We supposed to meet at 5PM pero 5:28 PM na’y wala pa rin siya. Idagdag pang wa