(Haylee) INTENTIONALLY, Ian and I met on a tea shop near the school. Tinawagan ko siya at tinanong kung mapupuntahan ba niya ako pagkatapos ng trabaho ko, um-oo naman kaagad siya at pagkarating ko’y naka-order na rin siya ng snacks naming dalawa. “Sorry ulit, Ian, for making you wait that night we supposed to watch a movie together.” Nakangiti siyang umiling. “It’s okay, Haylee. It’s okay. I understand.” “Tinawagan kita at pinapunta rito dahil gusto kong pag-usapan yung tungkol sa ating dalawa. I mean, if we can still patch things up and fix what used to have between us two.” Ilang sandaling tila nalulan ito at hindi nakapagsalita kaagad, tinititigan lamang ako habang tila hindi makapaniwala sa tuwa ang mga ngiti niya sa kanyang labi. “You mean… you’re finally giving our relationship