(Dominic) NAPADAAN ako sa bahay isang gabi dahil may kukunin lang sana ako sa kwarto ko pero natigilan ako nang makitang nakabukas ang pinto ng kwarto ni ate Jiselle at mula dito sa labas, naririnig ko ang tila pakikipag-away at pakikipagtalo niya sa kung sino mang kausap niya sa cellphone niya. “Damn you! Damn you for throwing those hurtful words on my face! Oo! Oo na! Huwag mo nang paulit-ulit na ipamukha sa akin na pera ko lang naman talaga ang habol mo! Na kaya mo ako pinatulan at nagawa mong ipagpalit ‘yang lintek na Haylee na ‘yon sa akin dahil mayaman ako and I could provide for your needs! May them be physical or financial! Hindi mo na kailangang paulit-ulit na ipamukha sa akin ‘yang bagay na ‘yan dahil simula’t sapol alam ko na! Alam na alam ko na! P*ta!” Halos lumabas ang mga