NAPALINGON kaming dalawa ni Dominic sa babaeng player na nakasunod sa likuran niya. She’s wearing an all red body gears and she looks so cool in that attire. Nilingon ito ni Dominic. “Beth, nandiyan ka pala! Ah, this is Haylee. Haylee, this is Bethany.” I smiled my friendliest and offered her my hand for a handshake. “Hi.” She didn’t smile. She just remained looking at me with a poker face. Nagpabalik-balik pa ang seryoso at matalim niyang mga mata sa aming dalawa ni Dominic bago tuluyang tila napipilitan lang na tinanggap ang kamay ko. Bigla ay nag-announce na ang announcer sa baba na lahat umano ng lalaking players ay bumaba na dahil mag-uumpisa na ang warm up nila. Yes, warm up sila tonight. No game nor any competition, warm up lang talaga. “Champ, tinatawag na ka