(Haylee) PAGKATAPOS ng klase sa hapon at naghahanda na ako for my tutorial sessions, biglang bumukas ang classroom at niluwa niyon si Mr. James, ang daddy ng advisory pupil kong si Jimson. "Daddy!" tuwang-tuwang anang bata. "Hi, Miss. Sunduin ko lang si Jimson ha." I simply smiled and nodded. "Sige po." Pero ang totoo, deep inside ay hindi ako makatingin ng diretso sa kanya kasi naaalala ko yung nangyari kahapon. Nahihiya akong pinaratangan ko ng kung anu-ano ang kaibigan niyang si Dominic at parang simula pa no'n ay gusto na niya akong tuksuhin sa kaibigan niyang iyon. "Ah, Miss, before I forget, para sayo nga pala," ani Mr. James nang lumapit para may iabot na kung anong maliit na papel sa akin. Curious na tinanggap ko ito. Exclusive Gate Pass for Gideonville Track Field. Tiningn