(Haylee) NAGISING akong masakit na masakit ang ulo ko. Nilibot ko paningin ko sa buong silid at kahit nananakit pa mga mata ko, ramdam kong hindi ko ito kwarto! Pinilit kong bumangon at maupo sa headboard habang sabunot ang buhok ko. Awtomatiko namang nag-flashback sa akin yung mga nangyari kagabi. I was drinking hard on the bar dahil sa mga drama and heartaches ko sa buhay. I called Leonor to accompany me so that I could have somebody to listen to me. Few moments of waiting, somebody tapped my shoulder, I knew it was her, but I was taken aback when instead of Leonor, si Dominic ang dumating doon! The rest were history, maliban na lang sa sinabi kong huwag niya akong iuuwi sa bahay dahil magiging palaisipan sa mama ang paglalasing ko, and worst, ang pagkakaroon ng ibang kasamang lalaki