Chapter 3: Bar hopping

1574 Words
“MANONG, sa ZL Lounge po tayo,” aniya sa driver nang makapasok sa sasakyan na pinara niya. Nilingon niya ang dalawa na parang nagtatalo. Mukhang siya pa ang rason ng kanilang pagtatalo. Kaya tama lang na umalis siya. “Saang branch. Ma’am?” “QC na lang ho,” sagot niya. Tumango naman ang driver at tinipa ang address niyon. Pamilyar na siguro. Marami talaga kasing branch na ito dito sa Metro Manila. Agad na binigyan siya ng bartender nang makita siya. Alam na nito ang inoorder niya kaya kahit na hindi na siya magsabi ay alam na nito ang titimplahin. “Thanks,” aniya, at kinuha iyon. Naghanap siya ng pwesto. Pinili niya ang pinakadulo. Nakita siya ng staff kaya sinamahan siya nito hanggang sa sadyang pwesto. Tinanong pa siya nito kung ano ang gusto niya. Sabi niya, tatawagin na lang niya ito kung meron. Hindi malaman ni Halina kung ilang order siya nang maiinom. Basta nang maramdaman ang pagiging tipsy ay nagpahinga siya. Pero nang marinig din ang nakakaengganyong tugtugin ay tumayo siya at pumagitna. Hindi alam ni Halina kung gaano siya katagal sa gitna, basta tumigil lang siya nang hindi na niya nagustuhan ang nakasalang. Sinamantala na lang din niya iyon na kumuha ulit nang maiinom. Pabalik na siya sa mesa niya nang makita ang babaeng humarang sa daraanan niya. “M-Ma’am Halina,” “What are you doing here?” “I’m here para po makiusap na bawiin mo po ang desisyon mo.” Kunot ang noo niya nang balingan ito. Malakas ang pagkakasabi nito kaya talagang narinig niya. Tumawa siya nang pagak. “Kahit na lumuhod ka pa sa harapan ko, Gayle, hindi ko babawiin ang desisyon ko. Saka sino ka ba para pangunahan ako, huh? Damn! You’re just a mere employee.” Pagkasabi niyon ay binilisan niya ang hakbang. Nang maupo si Halina ay kita pa rin niya sa gilid ng mga mata niya si Gayle na natigilan. Dinadaan-dananan na ito lahat-lahat, pero hindi pa rin ito umalis doon. Para mawala sa paningin niya si Gayle ay sa pader siya humarap at nagtipa ng mensahe sa sekretarya. Binanggit niyang nandito ang alaga nito. Late na siguro kaya wala pang reply mula sa secretary. Napapitlag si Halina nang maramdaman ang paghaplos sa paa niya. “Gayle!” aniya nang makitang ito pala ang humawak doon. Akmang hahalikan nito nang sipain niya ito. “Pwede bang umuwi ka na? Binababa mo lang ang sarili mo dito. Hindi na nga sabi mababago ang isip ko!” aniya nang ipagpantay ang sarili dito. “Ma’am, kailangan na kailangan ko po talaga ng trabaho. May monthly check up po ang Tatay ko. Hindi rin po sapat ang sinasahod ng Kuya kaya kailangan ko po talaga ng trabaho.” “God, wala akong pakialam sa buhay niyo. Kung mawalan ka man ng trabaho, the hell I care! Hindi mo na dapat sinasabi sa akin ‘yan.” “Ma’am, please. Hindi po pwedeng mawalan talaga ako ng trabaho ngayon,” pagmamakaawa nito. Sabay yakap din nito sa hita niya kaya napapikit siya. “Sana inisip mo ‘yan bago ka sumabat!” Kiniskis pa ni Gayle ang mga kamay. “Sorry na nga po, e.” “Again, nasabi ko na kaya tumayo ka na dyan. Pinagtitinginan na tayo,” aniya sa pabulong na sabi. Mabuti na lang at lumapit ang staff ng ZL Lounge, pinatawag niya ang guard at sinabing ilabas si Gayle. Kaya walang nagawa ang huli kung hindi ang lumabas na lang. Baka bumalik si Gayle, nagpasya siyang umakyat at kumuha na lang ng private room. Doon siya nagpalipas ng oras. Pero hindi niya hinayaang i-entertain ang sa isipan niya ang nangyaring iyon. Ang mga gaya nito ang naging dahilan upang maging ganito siya. Kaya pasensyahan na lang. Kasabay niyon ang pagbalik ng alaala niya sa Avelino University… ***Flashback*** Ilang araw na hindi pumasok si Halina matapos na tapatin siya ni Goddy na si Pia ang nagugustuhan nito. Siyempre nasaktan siya kaya tinimbang niya ng ilang araw ang sarili, kung kaya niya bang makita ang dalawa sa mga susunod na araw. For her, hindi kaya hindi siya pumasok talaga. Walang paalam man lang sa guro nila. Si Kalei lang ang sinabihan ng mga ito dahil alam naman na magkakambal sila. Dapat hindi na talaga siya papasok, pero sobrang alanganin kung mag-transfer siya ayon sa proffesor nila. Kaya napilitan siyang pumasok at tatapusin na lang niya ang school year niya. Napahinto si Halina nang makita si Goddy at Pia. Binibigyan ng binata ang kaklase ng pagkain at may kasamang rosas. Paborito niya ang binigay nito, red rose. Bahagyang tumaas ang sulok ng labi niya para mapangiti nang mapakla. Mukhang naging open na si Goddy simula nang magtapat sa kanya. Mukhang siya ang hadlang kaya nito magawa ang panliligaw kay Pia. Halos araw-araw na nakikita niyang binibigyan ni Goddy ang kaklase ng kung ano-ano. Naiinis lang siya dahil lagi niyang nasasaksihan. Nasa comfort room siya noon nang marinig ang pag-uusap ng schoolmate niya. “Alam mo, hindi ko na nakikitang nililigawan ni Halina si Goddy,” ani ng unang estudyante. Sinundan nito ng tawa. “Baka sumuko na dahil si Pia ang gusto ni Goddy? Hindi kaya?” sagot naman ng kausap nito sa loob ng comfort room. Nakaupo kasi siya sa toilet dahil umihi siya. “Mas bagay naman kasi talaga si Pia at Goddy. Parehas silang mahirap. Kaya tama lang na hindi si Halina ang ligawan niya.” So, dahil sa status nga nila kaya ayaw sa kanya ni Goddy? Ganoon ba iyon? “Wala tuloy tayong pag-asa kay Goddy. Ang gwapo at galing pa naman niya sa basketball. Sayang kung hindi siya titingin sa mga gaya natin.” “Marami namang lalaki dyan, hindi lang siya. Kaya hayaan mo na ang mga hampaslupang iyon.” Kahit papaano, nagkaroon nang kaluwagan sa dibdib ni Halina. Talagang hindi sila para sa isa’t-isa ni Goddy. Tama nga ang mga schoolmate niya. Baka talagang para lang sa mahihirap ang mga mahihirap. At sila na mayaman, para lang din sa mayaman. Simula nang araw na iyon ginawa niyang motivation sa sarili. Kaya hindi na niya pinapansin si Pia. Lagi niyang tinatatak sa isipan, mayaman siya at mahirap ang mga ito. Hindi siya bagay na makihalubilo sa mga ito. Kahit anong kausap nito sa kanya, hindi siya sumasagot. Lumipat din siya ng upuan para lang makaiwas dito. Palabas siya noon ng room nila nang makita si Goddy. Mukhang may hinihintay ito. Wala naman si Pia dahil absent ito. Sa isiping baka isa sa mga kaklase niya ang sadya nito, nilagpasan niya ito. “Halina, maaari ba tayong mag-usap?” Wow. Alam pala nito ang pangalan niya? Hindi siya huminto, dere-deretso lang siya hanggang sa makalabas ng building nila. May paborito siyang tambayan kaya doon siya sa tumambay. Sa likod ng mga resthouse. May isang subject pa kasi siya kaya hindi siya pwedeng umuwi pa. Naglatag siya ng papel na pinunit niya sa notebook niya nang lapitan siya ni Goddy. “Sa ‘yo ba galing ito?” Sabay pakita nito ng bulaklak, cupcake at isang box. Pamilyar sa kanya ang brand ng box. Mamahaling relo ang laman niyon. “Alam mo bang dahil dito kaya kami nag-away ni Pia? Akala ko ba malinaw na sa ‘yo? Huh? At talagang sinend mo pa sa kanya na binigyan mo ako?” “Hindi sa akin galing ‘yan,” walang buhay na sabi niya. Inabala niya ang sarili sa libro na bagong bili. Tungkol iyon sa fashion business. Nabanggit na sa kanya ng ina na siya ang mamamahala niyon. Kaya heto, maaga niyang pinag-aaralan. Napapitlag si Halina nang basta na lang itapon ni Goddy sa harap niya. Medyo naalarma siya dahil muntin na siyang matamaan ng box. “Kahit na bilhin mo pa ang pinakamahal na relo at masasarap na pagkain, hindi mo mapapalitan si Pia sa puso ko! At mas lalong hindi ako nabibili ng mga gaya niyo, Halina. Kaya sana, ito na ang huli na gawin mo ito. Dahil hindi kita kayang mahalin at mas lalong hindi ko kayang kayang pakisamahan ang mayaman na gaya mo!” Kasunod nito ang pagtalikod nito sa kanya. Basta lang nito iniwan ang mga tinapon nito sa harap niya. Ang hindi alam ni Goddy, para siyang pinana ng ilang beses sa mga salita ito. Masakit pa rin talaga ang mga salita nito. Pero siyempre, hindi niya pinahalata kay Goddy na nasasaktan siya. God! Nauntog na kaya siya. Tanggap na niyang hindi sila para sa isa’t-isa, kaya bakit pinagbibintangan siya nito? Kung nag-aaway man ito at si Pia, labas na siya doon! *** “Hey, sis! Can we join?” Napamulat si Halina nang marinig ang pamilyar na boses. Ang kakambal niya. “Sure—” Saglit na natigilan si Halina nang mapagtantong hindi lang si Kalei ang naroon. Halos sa mga kaklase nito ang kasama nito. Kasama din nito sila Seth, Maryam at Pia! “Have a sit, guys! Baba lang ako,” paalam ng kapatid. Sa pag-aakalang hindi kasama si Goddy, hindi siya natinag sa kinauupuan. Pero nang dumaan ang kapatid niya ay nahawi ang ilan sa mga naroon, nakita niya si Goddy na noo’y nasa likuran pala ng mga ito. “Okay lang bang maki-join kami? Wala na raw kasing available na room sabi ng staff,” ani ni Pia. As usual, hindi siya sumagot dito. Nilagok niya na lang ang natitirang alak na nasa kopita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD