THIRD PERSON POV "Sinabi nang 'wag mo 'kong inisin, Lucia!" sigaw ni Lucinda sa kanyang anak na si Lucia. "Get the hell out and call your nanny! Sa kanya ka magpabasa ng libro!" Inagaw niya ang libro na hawak ni Lucia at inihagis sa pinto. "Hindi ka ba makatulog na hindi ako ginagalit?!" Agad na humikbi si Lucia habang nakatitig sa ina bago sunod-sunod na tumulo ang mga luha sa pisngi. "Mommy..." "Lucia!" Humahangos namang pumasok ng silid ang yaya nitong si Erlinda. Binigyan ni Lucinda ng matalim na tingin ang yaya. "Didn’t I tell you that by this f*****g hour, she should already be asleep?! Ayoko na iniistorbo pa niya ako dito!" "P-Pasensiya na po, Madam." Agad namang yumuko si Yaya Erlinda habang hawak sa mga balikat si Lucina. "Nilinis ko pa po kasi 'yong banyo niya—" "And you s

