Mhina "Papasukin niyo 'ko! Ano ba?!" Napahinto ako sa pag-akyat ng hagdan at napalingon sa isang kasambahay na humahangos palapit sa akin. Pansin ko ang pagkataranta niya. "M-Ma'am, si Ma'am Lucinda po, nagwawala sa labas at pasugod po dito. Pinipigilan po siya ng mga guard dahil sa pag-i-iskandalo niya." Nilingon ko ang pinto. “Get your f*****g hands off me! What the hell?! Don’t you know who I am?!” Naririnig ko pa rin ang sigaw ni Lucinda mula sa labas. “What’s all that noise, Mom? God, it’s the middle of the night.” Napalingon ako sa itaas ng hagdan. Naroroon na si Mikelah at nagmamadali nang bumaba. "Yong squammy na babae na naman ba 'yan?" tanong niya, at makikita ang inis sa mukha niya. Napabuntong-hininga ako ng malalim. Imbes na sagutin siya, tinalikuran ko siya at na

