Daemon Jr. "Boss, parang may sumusunod po sa atin," turan ni Benito na siyang nagmamaneho ng kotse namin. Napahinto naman ako at napalingon sa likod. May ilang mga sasakyan sa likod at hindi ko alam kung alin dyan ang tinutukoy niya. "Kanina ko pa 'yan, boss, napapansin buhat paglabas pa lang natin ng DV Heights hanggang sa makarating tayo sa Alta del Marikina," turan naman ni Nestor. "Ngayon, nandyan na naman sila sa likod natin." "Which one?" I asked them. "'Yung itim na SUV, boss," Nestor replied, glancing discreetly at the side mirror. "Walang plaka sa harap, pero sa likod may temporary plate lang—RZB-9084." Muli ko rin itong nilingon bago muling bumaling sa kanila. "Do something to shake them off," I ordered. "Got it, boss," mabilis na sagot naman ni Benito bago kinabig ang s

