Ria "DADDY!!" Sabay-sabay kaming napalingon sa pinto nina Ate Micah, Yaya Erlinda at Morris nang sumigaw ng sabay ang mga bata. Bumungad sa pinto sina Daemon at Jonnel. Nagpumilit sumampa sa gilid ng pool si Daeria habang hawak ko. Naririto kasi kami ngayon sa pool at nagbababad sa tubig. Si Yaya Erlinda lang ang ayaw maligo dahil may buwanang bisita raw siya ngayon. Umahon din kaagad si Lucia na agad niya ring inalalayan. "Magdahan-dahan, anak! Baka madulas ka!" ani ko kay Daeria dahil sa pagtakbo niya palapit sa kanyang ama. Nakangiting sumalubong naman sa kanila sina Daemon at Jonnel at niyakap sila ng mahigpit. Maaliwalas at kitang-kita ang saya sa mga anyo nila ngayon. "Mukhang maganda ang kinalabasan ng hearing nila ngayon," ani Ate Micah sa tabi ko. Nakababad rin siya sa tub

