Ria "May problema ba?" mahina kong tanong kay Dandan. "Wala—" "Meron," agad kong sagot. Ngumiti naman siya kasabay nang paghawak muli sa kamay ko. "Problema nila 'yon, hindi natin... Si Lucinda ang gumawa ng gulo, kaya problema ng buong pamilya nila 'yon." "N-Natatakot ako, baka madamay tayo." “Stop worrying about them. I’ll do everything to keep you and Daeria safe—our whole family, all of us.” Marahan niyang pinisil ang kamay ko. “Just focus on healing, okay? Don’t stress yourself.” Marahan akong tumango. Kahit puno ako ng pag-aalala, may tiwala naman ako sa kanya at sa pamilya niya. Hindi na mauulit ang nangyari noon sa akin dahil nasa poder na nila kami ni Daeria. Noon kasi ay nag-iisa lang talaga ako at nasa ibang bansa pa noon si Dandan. ***** THIRD PERSON POV "Raymond, s-

