Ria "Meron ka na rin ibang daddy?!" malakas na tanong ni Daeria kay Lucia. Agad rin namang tumango si Lucia. Bumalik nang muli ang sigla niya ngayon, pero namamaga pa rin ang mga mata dahil sa labis na pag-iyak raw nito kanina ayon kay Daemon. Nasa kama na sila ngayon at parehong may yakap na stuffed toys. Ako nama'y kalalabas lang ng walk-in closet. Nakapaglinis na ako ng katawan at nakabihis na rin. Nagsusuklay na lang ako ng buhok. Si Daemon naman ay naiwan pa sa banyo. "Hindi na si Daddy ko ang daddy mo?" paniniguro pa rin ni Daeria kay Lucia. "May totoo na akong daddy," sagot din naman ni Lucia. Ramdam ko ang saya at excitement sa kanya. "Hindi si Daddy ko ang totoo mong daddy? Ako lang ang totoong anak niya?" ulit pa rin ni Daeria. Tumango namang muli si Lucia. "Now we each

