Daemon Jr. "May I know po what happened to your face, Tita Ria?" Lucia asked as Ria helped her put on her pajamas. Katatapos lang silang linisan ni Ria sa banyo at ngayon nga ay naghahanda na sila para matulog. Sinusuklay ko naman ang buhok ni Daeria. "Nasugatan si Mama ko, matagal na!" Daeria quickly answered. "Gagamutin na 'yan ng doctor, na friend ni Daddy. Kikinis na ulit ang face ni Mama ko." "Are you scared of my face?" Ria asked her with a smile. Lucia immediately shook her head. "No po, Tita. Mabait po kayo, eh." I couldn't help but smile widely at what she said—and so did Ria. "Pwede po ba dito na lang din po ako tumira?" aniyang muli na siyang ikinahinto ko, at ganun din ni Ria. Napalingon kaagad siya sa akin. Lumingon din sa akin si Lucia at lumapit. Natapos na siyang bi

