CHAPTER 28: All That Was Fake?

2182 Words

THIRD PERSON POV "Kumuha ka ng mga tao," utos ni Lucinda kay Raymond habang inaayos na ang sarili. Kasalukuyan pa rin silang nasa loob ng home bar. "Pasundan mo si Dandan. We need to find out where he goes and where he took his damn woman. Also, send someone to Monte de Gracia Memorial Park in Bulacan and check kung naroroon pa ba ang mag-inang 'yon." Huminga siya ng malalim bago lumingon sa ibang direksyon. "May hinala akong kinuha na niya ang mag-inang 'yon—itinira kung saan mang bahay siya mayroon," dagdag pa niya. "Dandan’s hiding a lot of things, I know it. He still has properties he hasn’t told me about.” "Ako na ang bahala," sagot naman ni Raymond matapos tunggain muli ang bote ng alak. "Pero bigyan mo ako ng budget. Naubos na 'yong binigay mo sa akin noong nakaraang linggo."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD