Ria INASIKASO namin ni Daemon ang mga bata at pinakain. Masayang-masaya sila sa spaghetti na niluto ko. Siya na ang naghatid sa mga ito patungo kina Ate Crystal at Kuya Omer. Isinama na rin niya doon si Lucia para hindi mainip dito sa bahay. Ang pagkakaalam naman ng mga bata ay pinsan nila si Lucia at noon pa man ay magkakakilala na sila at madalas nagkakasama sa mga okasyon. Hindi naman na daw ibabalik pa ni Daemon sa Marikina ang bata. Hihintayin na raw niya ang pagdating ni Mr. Arreza para magkasama na silang mag-ama. Hindi na rin muna siya pumasok sa trabaho dahil dumating ang contractor na kinuha niya para mag-renovate ng magiging silid ni Daeria. Gusto na rin daw niya ipaayos ang isa pang silid sa tabi ng master's bedroom na magiging nursery room para sa susunod daw naming baby.

