Kabanata 44 Bigla namang lumapit sa kanya si Michelle. Hinablot nito ang kanyang braso. "How dare you join this even behind my back!?" Inalis niya ang kamay ni Michelle. "Napilitan lang akong sumali dito dahil sa kapatid mong si Patricia and for Zane, oh he likes it." Tinaasan niya ito ng kilay at nilagpasan ngunit bigla nitong hinila ang kanyang buhok. Bigla siyang sinabunutan ni Michelle. Lumaban siya at pilit na inaawat ito. "Scene stealer ka talagang babae ka! Una si Zane, ngayon naman itong contest na ito! Ambisyosa ka talagang malandi ka!" galit na galit na wika ni Michelle sa kanya. Umawat naman ang ibang contestant sa kanilang dalawa. "Hindi pa ako tapos sa iyo!" bulyaw ni Michelle habang dinuduro siya. "Anong nangyayari dito!?" bulalas no'ng baklang organizer. "Mam