Kabanata 50 "Zy, what's wrong?" Napaigtad siya nang marinig ang boses ng nobyo at agad niyang tinuyo ang basa niyang mga pisngi gamit ang kanyang mga palad. "Hi?" sagot niya lamang. Sumeryoso ang mukha nito at lumakad palapit sa kanya. Kinuha nito ang plane ticket na kanyang hawak. Zane hug her suddenly. "I know what you're thinking and it's true," malungkot nitong wika. Niyakap niya ng husto si Zane. "Akala ko ba mahaba pa ang bakasyon mo. Bakit yata biglang napaaga?" mangiyak-ngiyak niyang wika. "There are times that my vacation is limited Zy. Darn, I wish I could extend my stay here but I can't." Ikinulong ni Zane ang maliit niyang mukha sa mga palad nito. "Love, I'll be back again. I promise." "You'll be back after six months or maybe a year, masiyadong matagal 'yon