HINDI na nakapagsalita pa si Hannah nang may kumatok sa pinto sa labas kasunod ang tinig ng papa niya. Natatarantang hinanapan niya ng mapagtataguan si Marcos. Marahil ay nasasagap ni Demoti ang aura ni Marcos kaya ito napadpad doon. “Calm down, Hannah. I can take care of myself,” sabi lang ni Marcos. “Malakas ang pandamdam ni Papa, kilala niya ang aura mo. Hindi siya titigil hanggat hindi ka nadadakip. Malaking gusot itong pinasok mo, Marcos.” “Hindi ako gagawa ng gulo kung hindi nila ako sasaktan at hindi ka nila ihahamak, Hannah. Harapin mo na ang papa mo. Ako’ng bahala sa sarili ko,” giit nito. Lalo lamang siyang nababalisa. “Please, Marcos, gumawa ka ng paraan para makalabas dito. Hindi puwedeng mahuli ka nila at malamang nagmula ka sa sangre organization.” “I know.” Sandali siya