“MAY ganitong place pala rito?” Nawala sa konsentrasyon si Hannah nang marinig niya ang boses ni Marcos. May isang minuto rin siyang nagpalutang sa tubig, habang itim na bikini bottom lang ang suot ng kanyang katawan. Tumayo siya. Ga-baywang lang niya ang tubig. Namataan niya si Marcos na humahakbang palapit sa hagdan ng pool. Naghubad ito ng damit maging ng pantalon nito. “Akala ko bumalik ka sa klase mo,” aniya. Itim na brief na lang ang suot ni Marcos. Uminit ang pakiramdam niya dahil sa mainit na tanawin. “Ayaw ko nang mag-aral, Hannah,” anito. Lumusong na ito sa tubig at naglakad patungo sa kanya. Hanggang dibdib lang nito ang tubig. “So ano lang pala ang gagawin mo? Hindi ka matatanggap ng organisasyon kung hindi ka nakapagtapos sa Sangre Academy.” Nagulat siya nang paglapit ni