CHAPTER 22 BIRTHDAY BITBIT ang paper bag na naglalaman ng pinamili ay pumanhik sa silid si Ara. Napangiti siya nang ilapag iyon sa couch. Nagpasama siya kay Tinay para bumili ng regalo. Mabuti na lamang ay nabanggit ni Aling Sion ba kaarawan ni Ryan bukas. Muntik na siyang hindi makabili ng regalo rito. “ Talagang nagpapaluto ng mga pagkain at bumibili ng mga regalo para sa mga bata at bumibisita sa kumbento iyang si Señorito tuwing sasapit ang kaarawan niya, Ara. ” Naalala niya ang tugon ni Aling Sion nang tanungin niya ito kung bakit at para saan ang mga pagkaing inihahanda nito noong nakalipas na araw. At kahapon nga ay galing sila ni Ryan sa kumbento para ipamahagi ang mga pagkain at mga laruan sa mga bata. May biglang nabago at natanto ni Ara sa sarili tungkol kay Ryan. Mar