Part 3

2255 Words
***** CARA ****** “SOBRANG unfair talaga ng mundo. Kaming ibang babae ay halos magkandarapa para lang ibigin ng lalaking gusto namin. Ginagawa ang lahat para kami ay mahalin din. Nagpapaka-desperada, gaga, at tanga. But look at you, kahit patulog-tulog lang at parang wala nang kuwentang tao ay may nagmamahal pa rin sa’yo na lalaki. Napakasuwerte mong babae, noh?” Umungol si Cara. Gustong-gusto niyang makita kung sino ang nagsasalitang babae sa tabi ng kinahihigaan niyang kama ng hospital na kanyang kinaroroonan. Naririnig niya lang kasi ang boses nito, boses na palabo-labo rin kaya hindi niya mabosesan kung sino ang nagmamay-ari. “Pero huwag kang pakampante, Cara Alfuente. Huwag mo masyadong himbingan ang tulog mo at baka mamalayan mo na lang isang araw ay nasa kandungan ko na ang iyong asawa. Sapagkat sisisguraduhin ko na mapapasaakin si Evo, sa kahit na ano mang paraan…” “Who are you?! Paano mo nasasabi ang mga iyan?!” kasabay ng pagnanais ni Cara makakawag sana ay sigaw niya. Sa kasamaang palad ay hanggang isip niya lang iyon nagagawa. Hanggang sa isip niya lang ang magwala dahil parang paralisado ang buong katawan niya sa sandaling iyon. She couldn’t move even one finger of hers, isipan lang niya ang gumagana. Nagising man siya sa pagkakatulog ay para pa rin naman siyang bangkay, walang magawa. “Huwag kang umalis! Mag-uusap tayo!” kanyang hiyaw pa sa isipan nang narinig na niya ang mga lagatok ng stelitto heels ng babae. Paalis na ito sa silid. “Sabihin mo sa akin kung sino ka! Sino kaaaaa!” Sa wakas ay naibangon niya ang kanyang sarili. “Besh?!” Nagulat tuloy ang kapapasok lang na si Eunice. Hingal na hingal na napatitig si Cara sa kanyang kaibigan. Agaw niya ang kanyang paghinga na animo’y kagagaling lang niya sa pagkakalunod. Pinagpapawisan din siya ng malapot sa noo. At tulad ni Eunice ay gulat din ang ekpresyon ng kanyang mukha. “Anong nangyayari sa’yo? Are you alright?” Nang makuha ni Eunice ang sarili nito ay nilapitan agad nito si Cara. Hinagod-hagod nito sa likod ang kaibigan. “Kalma lang, Cara. Kung ano man ‘yon ay panaginip lang hindi iyon totoo, okay? Relax na. Nandito ako. Hindi kita iiwan.” Ilang hingal, lunok, at pikit muna ang ginawa ni Cara bago siya kumalma nang tuluyan. “Ganyan nga. Wala ‘yon. It was just a dream,” alo sa kanya ni Eunice. Patuloy ito sa paghagod sa likod niya. Saglit ay pinilit na niyang ngumiti sa kaibigan para ipakitang ayos na siya. “Salamat, Eunice.” “Gaga ka talaga, gusto mo yata akong atekihin sa puso sa mga pinagagawa mo. Akala ko kung ano na ang nangyari sa’yo. Para kang nasaniban. Nakakaloka,” reklamo na ni Eunice. Ibig sabihin ay naniwala na ito na ayos lang siya. “Sorry,” nahihiya niyang sabi. She pushed a strand of hair back behind her ears, then sighed. “Ang mabuti pa humiga ka muna at baka mapa’no ka na naman,” suhestiyon ni Eunice. Inalalayan siya nitong humiga ulit. Tahimik na nagpatianod naman siya. Iniisip niya pa rin ang babae na iyon. Laking panghihinayang niya at hindi niya namukhaan. “Did you have the same nightmare again?” usisa ni Eunice nang maayos na siya sa kinahihigaan. Umiling siya. “Mas nakakatakot pa sa mga dati kong napapanaginipan, Eunice.” Eunice’s brow shut up with that. She looked a little puzzled. “Mas nakakatakot pa sa mga multo? Killer na gusto kang patayin kamo? At aswang na hinahabol ka?” “Oo, dahil isa siyang babae na gusto niyang agawin sa akin si Evo ayon sa mga salita niya.” “Nakakatakot nga. Wala nang mas nakakatakot sa mga malalanding babae na gustong maging kabet. Pero sino naman siya? Nakilala mo ba?” Umiling si Cara. “Gusto ko nga sana makita kung sino siya pero nagising naman na ako.” “Kaya pala takot na takot ka kanina. Naiintindihan ko na. Pero, Besh, Ikaw na rin ang nagsabi na panaginip lang iyon kaya wala iyon. Huwag kang mapraning dahil lang doon.” “Pero kasi ang weird dahil parang totoo.” “Ganoon naman talaga ang panaginip, lalo na ang bangungot. Saka kung totoo ang panaginip, eh, ‘di sana totoo ang mga napanaginipan mong mga multo ‘di ba? Ilang beses ka nang nabangungot at nagha-hallucination dahil sa sakit mo, hindi ka pa rin nasasanay.” Cara opened her mouth to contradict her friend, but then closed it again. She just nibbled her lower lip. Totoo naman kasi iyon. Madalas naman talaga na bangungotin siya. Nga lang ay iba lang kasi ang pakiramdam niya sa ngayon. Hindi lang kasi parang totoo ang nangyari kundi ngayon lang siya nakapanaginip ng ganoong eksena. Bagong-bago sa kanya ang panaginip na iyon dahil paulit-ulit lang naman minsan ang mga panaginip niya, kung hindi man ay hindi niya maalala. Hindi tulad ng ngayon na kahit ang mga sinabi ng babae ay naalala niya nang sobrang linaw. Isa pa ay sinong legal wife ang hindi mag-alala sa lagay na iyon? Ang parang may gustong aagaw sa mister mo? Kahit pa panaginip nga iyon ay hindi pa rin nakakatuwa. Sobrang nakakabahala pa rin. Paano kung isa iyong babala? Igigiit sana niya ulit kay Eunice na parang hindi iyon simpleng panaginip lamang. Nga lang kasi ay nagbukas na ang pintuan at pumasok ang tatlong nilalang. Si Nang Masing ang unang pumasok, tapos si Evo, at huli ay ang sexy nila na kapitbahay. The woman was wearing a mini red haltered type and body fitting dress. Wari ba’y galing ito sa party. At wala naman sanang issue sa kanya ang kasuotan ng babae kung hindi lang kasi lumuluwa na ang mga namumutok na mga dibdib nito. Tapos ay nakaagaw pa sa kanyang pansin ay ang suot nitong thin strap stiletto sandal. Pumasok na naman kasi sa isip niya ang napanaginipan niya. Para ba’y narinig niya ulit ang lagatok ng mga high heels sa sahig. “Bakit nandito ang babaeng ‘yan?” bulong sa kanya ni Eunice. Nakilala rin nito ang babae. Nagkibit-balikat siya. Siya man ay nagtataka. “You just woke up?” tanong sa kanya ni Evo nang bigyan daan ito ni Eunice. Humalik ito sa kanya. “Pinakaba mo ako nang sobra, Hon.” “Sorry,” tipid na aniya. “Saan ka galing? Kayo?” at saka tanong niya. Mabilis na sinulyapan niya ang babae. “Hi, Cara.” Magiliw na ngumiti naman ito sa kanya. Kabastusan man ay wala siyang naging reaksyon. “I came from Doctor Lozada's office. Nakasabay ko lang sila sa hallway papunta rito,” agaw-pansin sa kanya ni Evo. Nahalata yata na mabigat ang loob niya sa babae at nag-iisip na siya nang hindi maganda. “Kumain kasi kami ni Rucia sa labas, Cara,” dagdag ni Nang Masing sa paliwanag. “At itong si Rucia nga pala ang tumulong sa akin para madala ka rito sa hospital kanina.” “Po?” Nagulat siya konti sa sinabing iyon ni Nang Masing. She didn’t expect that. Si Evo na ang nagkuwento sa kanya ng mga nangyari. “Buti na lang at naroon talaga sa bahay si Nang Masing dahil kung hindi ay baka kung napaano ka na. Salamat at pumayag ka na makakasama natin siya.” Nahihiya siyang ngumiti. Masuyo niyang hinaplos ang guwapong mukha ng kanyang asawa. “Anong sabi ni Doctor Lozada?” “Part pa rin daw ng sakit mo iyon,” tipid na sagot ng asawa. Doon siya nalungkot muli. At oo, naalala na niya na minsan ay natukoy na sa kanya ni Doctor Lozada na puwede ring mangyari sa kanya ang ganoon. Ang mawalan ng malay at manginginig na parang inaatake ng epelipsy. “But don’t worry, Hon, dahil hindi naman madalas ang ganoon daw na epekto ng narcolepsy. Biglaan lang daw iyon at minsanan lang,” pampalubag-loob na sabi sa kanya ni Evo. He dearly caressed her shoulder. “Gusto ko nang umuwi,” aniya na lamang kaysa ang magsabi ng kung anu-ano. She didn't want to talk about her illness anymore. Napapagod lang ang kanyang isip kakaisip. Ayaw niyang ma-depress na naman. Ayaw niyang masumbatan ulit ang Diyos kung bakit sa lahat ng tao rito sa mundo ay isa siya sa tinamaan ng nakakatawang sakit na ito. Hindi rin naman kasi masasabi na karma niya ito dahil sure siya na wala siyang naagrabyadong ibang tao. Mula pagkabata ay sinikap niyang maging mabuting tao dahil iyon ang utos sa kanya ng nanay at lola niya. “Pero—“ Aangal sana ang kanyang asawa sa kanyang hinihiling. “Please?” Pero dahil pakiusap niya ay napatango na lang ito at lumabas ulit ng kuwarto upang sabihin daw sa doctor niya ang nais niyang mangyari. “Hindi ba mas makakabuti sa’yo ang dito muna, iha? Bukas na lang tayo umuwi para ma-check ka nang maayos muna rito sa hospital,” sabi sa kanya ni Nang Masing. “Don’t you worry, Nang, okay lang po ako,” she assured her. “Kung gano’n ay sasama ako. Doon na lang ako sa bahay niyo matutulog para may kachikahan ka,” salita na ni Eunice. Tiningala niya ang kaibigan dahil sa bandang ulunan niya ito nakatayo. Nginitian at sinabihan ng, “Next time na lang, Eunice. Gusto ko sana munang kami ng asawa ko ang magkasama ngayon. Sa nangyari na muntikan na naman akong mamatay ay nais kong bumawi sa asawa ko.” Nagkibit-balikat si Eunice. “Okay, sabi mo, eh.” “Um… Nang, mauna na rin ako. May bisita kasi ako mamaya sa bahay kaya kailangan ko nang umuwi,” paalam naman ni Rucia kay Nang Masing. Siguro ay naramdaman nitong out of place na ito. “Sige, iha. At salamat ulit sa’yo,” pagpayag naman ng matanda. “Mauna na ako,” paalam din ni Rucia kina Cara at Eunice. Tinaasan ito ng kilay ni Eunice at hinalukipkipan. “Rucia, salamat. Thank you for helping me,” sabi naman na ni Cara. Ang totoo ay nahihiya na siya sa dalaga dahil pinag-isipan niya ito nang masama gayong ito ang nagligtas sa buhay niya. “Wala ‘yon,” tipid na sabi lang ni Rucia at umalis na nga. Napansin na naman ni Cara ang may takong na sandal nito. Sunod-tingin kasi siya rito hanggang sa makalabas sa pinto. Ayaw niyang pag-isipan ulit sana nang masama si Rucia dahil kahit parang mababang uri lamang siya ng babae, ayon na rin sa kasuotan nito at kapal ng make-up, ay mukhang mabait naman itong tao. In the first place, hindi mag-aaksaya ang dalaga na tulungan siya sana kung wala itong mabuting kalooban. “Hindi ko talaga bet ang awra ng babaeng iyon,” boses ni Eunice na nagpabalik sa kanyang sarili. Medyo nagulat pa siya. Tinungo ni Eunice ang couch at umupo roon na pa-cross legs. Napamaang si Cara dahil ngayon lang niya napansin na naka-stiletto shoe rin pala ang kaibigan niya. Parang tintambol na naman tuloy ang kanyang dibdib sa tumubo na namang kakaibang kaba. “I’m sure siya iyong tipo ng babae na naninira ng pamilya. Mistress, kabet, kulakadidang, kalaguyo,” iritableng sabi pa ni Eunice na ang tinutukoy ay si Rucia pa rin. Hindi nito napansin ang kakaibang pagtitig niya sa suot nitong pampaa. “Mabait si Rucia kahit gano’n ‘yon,” pagtatanggol ni Nang Masing kay Rucia. Nag-umpisa na itong magligpit ng kalat sa side table upang pagbalik ni Evo ay makaalis na sila. “Paano nakakasiguro, Nang? Eh, ‘di ba kakikilala mo lang sa babaeng iyon?” pambabara ni Eunice sa matanda. “Sapagkat sa tanda kong ito ay alam ko nang kumilatis ng isang tao,” palaban naman na saad ni Nang Masing. Sigurado sa mga sinasabi. “Tama na ‘yan. Kahit ano man siya ay pasalamat pa rin tayo dahil tinulungan niya ako. Okay na ‘yon,” napilitan na tuloy na pamamagitna ni Cara sa dalawa. Hindi tama na husgahan nila si Rucia dahil wala pa naman silang alam tungkol sa buhay ng tao. Pasalamat niya at tumigil na nga ang dalawa sa bangayan nila. Siya man ay itinigil na rin ang pag-iisip tungkol sa napanaginipan niya. Ayaw na niyang mag-isip dahil kakaisip niya ay pati si Eunice ay napagdududahan na niya. Ang sama niyang kaibigan. Pagbalik ni Evo ay kasama na nito si Doctor Lozada. Chineck lang siya saglit pagkatapos ay pumayag na na i-discharge siya dahil siguro wala naman itong magagawa pa para sa sakit niya. Pinayuhan na lamang siya na bumisita sa kanyang psychiatrist bukas. “Are you really feeling well?” tanong ni Evo sa kanya nang sa wakas ay nakauwi na sila at nasa kuwarto na sila. Umupo si Evo sa gilid ng kama para magtanggal ng sapatos. “I’m completely fine, Hon,” tugon niya. Siya nama’y tinungo ang bintana ng silid upang sana ay isara ang kurtina. Kaso ay nagulat siya nang may natanawan siya sa bintana kaya naman natigilan. Doon kasi sa tapat na bahay ay may malaswang nagaganap. Sobrang laswa dahil si Rucia at ng hindi niya kilalang lalaki ay nagroromansahan. Parehas nang hubo’t hubad pero hindi man lang isinara ang bintana. “Oh, my God!” naibulalas niya nang kumaway pa sa kanya si Rucia nang natanawan din siya. “Hon? Bakit? Anong meron diyan?” Napansin na siya ni Evo. “Wala!” natarantang aniya sabay sara ng mga bintana at kurtina. Ayaw niyang makita ni Evo ang nakita niya for Pete’s sake! “Ano nga ‘yon?” Pero mapilit si Evo. Gustong sumingit talaga. “I miss you, Hon.” Kaya ang ginawa niya hinalikan na lang niya ang asawa. Ginaya na lamang niya ang ginagawa ni Rucia. Nag-init naman agad si Evo. Naging maalab agad ang halikan nilang mag-asawa…….. . . . AUTHOR'S NOTE: "Visit my f*******: Account for a chance to win prizes every month. Pasasalamat ko po sa inyong suporta at pagbabasa sa aking mga nobela. Ad Sesa rin po ang name ko sa sss. Naka-motor ang DP. See you there..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD