***** CARA ***** Tinutunton na ng sasakyan ni Zio ang daan pauwi sa Santa Ana kasama siya. Walang nagawa si Evo nang iginiit niyang gusto niyang umuwi sa kanyang magulang, si Zio man o ibang driver ang susundo sa kanya. “Hindi pa pala ako nakakahingi ng despensa sa ginawa ng asawa ko. Pasensiya ka na’t ---“ hindi niya naituloy ang sinasabi. “Don’t mention it,” dahil pang-aagaw ni Zio. “Nauunawaan ko ang lahat ng naging reaksyon ni Evo. It was just normal. Kahit ako man kung ako ang mister kanina ay hindi ako papayag na sunduin ang misis ko ng ex-boyfriend niya.” “Ang sabihin mo ay wala na rin siyang tiwala sa akin dahil ganoon din ako sa kanya. Akala niya siguro ay gagayahin ko siya para mapaghigantian ko siya,” she countered bitterly. Inabot ni Zio ang balikat niya at napakagaan na