***** EUNICE ***** “Bwisit!” inis na inis si Eunice na pinagpipindot ang button floor ng elevator ng ospital. Hindi naman kasi siya tanga para hindi mahalata kanina na pinaparinggan siya ng Rucia na iyon. Mukhang tama nga ang hinala niya na may alam na gaga sa sekreto niya. Humalukipkip siya habang hinihintay ang pagbukas ng pinto ng elevator. Tapos ay kay talim ang tingin niyang pinukol sa dako ng room ni Cara. “Sorry pero hindi ang katulad mo lang na mababang uri ng babae ang sisira sa amin nina Evo at Cara. Pinaghirapan ko ang magandang set-up na ito sa aming tatlo kaya hindi ako papayag na sisirain mo lang, b***h!” Muli niyang dinala ang tingin niya sa elevator nang nag-TING na. But she released a hissing breath and rolled her eyes when she saw who’s inside of it. Si Doctor Sin