"Isa lang naman ang solusyon sa problema mo pare," saad ni Hayden sa kanya matapos niyang sabihin ang lahat sa kaibigan. "Ano?" Tanong niya rito. "Una kailangan mong aminin sa sarili mo na mahal mo si Ellie,' Hayden answered. "Mahal?!" Bulalas niya na tila hindi makapaniwala sa sinabi nito. "Paano ko aaminin iyon, eh hindi ko naman siya mahal!" Saad niya sa kaibigan. Ngumiti sa kanya si Hayden at iniling ang ulo. "Inom ka pa,' Hayden said at nilagyan ng laman ang kanyang kopita. "Paano mo nasasabing hindi mo siya mahal eh nakapag biyahe ka nga ng halos isang oras para lang puntahan ako at sabihin sa akin ang nangyayaring gulo sa inyo ng asawa mo!" Nakangiting saad nito sa kanya. Kumunot ang kanyang noo. "Isa pa mula nang iwan ka ng asawa mo siya na lang lagi ang nasa isip mo, siya

