"Ellie?" Gulat na saad ni Inigo sa kanya nang pagbuksan siya nito ng pintuan ng bahay nito. "Inigo,' sambit niya sa pangalan ng kaibigan at niyakap ang kaibigan ng mahigpit habang umiiyak. Nagtatakbo siya palabas ng gate ng bahay ni Nathan habang umiiyak sa sama ng loob sa asawa. Nakita pa siya ng guard na naka duty sa may gate pero wala rin naman nagawa ito para pigilan siya. Naglakad siya ng naglakad at hindi malaman kung sana pupunta. Magkakalapit lang naman ang kanilang mga bahay, pero mas pinili niyang pumunta sa bahay ni Inigo na malayo ng kaunti sa bahay ni Nathan, kaunti lang naman at kaya pang lakarin. Pakiramdam kasi niya kung wala siyang makakausap sa nangyayari sa kanya at tuluyan na siyang mababaliw. "What happened?' Puno ng pag-aalala ang tinig ni Inigo habang yakap siya

