"Why I'm sor cruel huh? Ellie? Because you tricked on us! Hindi lang naman ako ang niloko mo rito at pinaniwalang malinis kang babae!" Galit na galit na saad sa kanya ni Nathan sabay tulak pa nito sa kanya. Bumagsak siya pahiga sa kama. Hindi na niya nagawang bumangon pa sa panghihina. "I can't believe na ikaw ang karma ko Ellie. Kung alam ko lang sana naging mabuti na lang ako sa mga babaing dumaan sa akin noon, hindi iyung mapupunta rin pala ako sa babaing kung sinu-sino na ang nakatikim," narinig pa niyang saad ni Nathan. Hindi siya kumibo at nanatili sa pagkakahiga dahil hindi na niya magawang bumangon pa. Sunod na narinig niya mga yabang ng asawa palabas ng kanilang silid at isang malakas na pagsara s pintuan. Mariin niyang pinikit ang kanyang mga mata nang mag isa na lamang siya.

