Nagbuga siya ng hangin nang maisara na ang pintuan at makaalis na si Nathan. "I know tama ang ginawa ko," bulong niya at napasandal sa likod ng upuan pakiramdam kasi niya nanlalambot siya, ramdam rin niya ang panginginig ng kanyang mga tuhod, at syempre ang kaba niya. "Kailangan kong magmatigas para hindi na niya ko masaktan pa,' bulong rin niya at napangiti sa sarili. "I'm so proud of you, Ellie,' she said with a smile. Masaya siya dahil napagtagumpayan niya ang unang pagkikita nila ni Nathan, hindi siya nadala nito sa charm nito kanina although muntik na siyang mahalikan nito kanina mabuti na lang at hindi siya nagpadala at kailanman hindi na siya magpapadala pa sa asawa. Pagbalik niya sa may sala nakita niya ang bouquet na dala ni Nathan para sa kanya. Lumapit siya at dinampot iyon

