"Inigo, what are you doing here?" Tanong ng Mommy niya kay Inigo habang nagkakaroon ng tensyon sa pagitan ng kanyang asawa at kay Inigo. Kung bakit naman kasi sa dami ng pwedeng pagkakataon na magkaharap-harap silang tatlo ay ngayon pa, kung kailan unexpected sa kanya at aaminin niyang hindi pa siya handa, kahit sabihin pang dalawang taon na ang kanyang paghahanda. "Tita inutusan lang po ako ni Mama na ibigay sa inyo ang ilan sa mga niluto niya, hindi ko naman expected na madadatnan ko rito si Ellie," Inigo said at sinulyapan siya ni Inigo. "Sige na Inigo ihatid mo na ang kailangan mong ihatid, aalis na kami ni Ellie!" Sabat ni Nathan sabay hawak ni Nathan sa kamay niya, hindi naman niya nagawang bawiin iyon agad dahil na rin naroon ang Mommy niya at nakatingin sa kanila. Kababalik lan

