Pagdating niya sa coffee shop agad niyang nakita si Lexie na para bang close sila nito nang makita siya nito agad itong kumaway sa kanya at ngumiti ng todo na para bang hindi sila nito dalawang taon nang hindi nagkakausap. Humugot siya ng malalim na paghinga, ito na ang huli niyang pakikiharap kay Lexie at makikipag usap rito, aalamin na niya ang lahat ngayon rito. "Thank you, Ellie at tinawagan mo ko para makipagkita sa akin," nakangiting saad ni Lexie nang lapitan ito. Hindi siya kumibo at humila ng mauupuan. Napansin niyang may dalawang kape na sa table, marahil sa kanya ang isa. Sa dami na ng nangyari sa kanila ni Lexie hindi na madali sa kanya ang pagkatiwalaan pa ang kaibigan. "Favorite mo iyan, inorder ko na,' Lexie said. "Thanks, but wala ako sa mood magkape ngayon. Fresh ju

