"Inigo sandali!' Pigil niya sa kaibigan nang maabutan niya itong palabas ng hospital. Lumingon ito sa kanya at huminto sa paglalakad.
"Nathan," saad nito.
"We need to talk,' igting pangang saad niya sa kaibigan.
"About Ellie?' Inigo asked him. Hindi niya mapigilan ang pag igting ng kanyang panga sa inis na nararamdaman sa kaibigan. Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang inis o galit na bigla na lang niyang naramdaman sa kaibigan.
Si Inigo ang napili niyang bestman sa kasal nila ni Ellie kanina kahapon, wala naman kasi siyang ibang kaibigan kundi ito. Ito ang tinuturing niyang kapatid at best friend at sa buong buhay niya na kasama niya si Inigo ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong inis sa kaibigan.
"Yes, Inigo, we need to talk about my wife,' he answered na sadyang pinakadiinan ang salitang wife na para bang kailangan niyang i emphasize rito na asawa na niya si Ellie.
"Oh.. You are calling her your wife now eh," Inigo said. Napansin niya ang pagtaas ng kanyang dibdib sa tensyon na sumiklab sa pagitan nila ni Inigo. This is the first time.
"Come on," Inigo said at lumakad ito. Sumunod siya sa kaibigan patungo sa parking lot. Habang sinusundan niya ito kinakalma niya ang sarili, hindi niya dapat hayaang kumilos ng kakaiba sa harapan ni Inigo.
"F*ck you Nathan! F*ck you!" Malakas na mura sa kanya ni Inigo umaksyon pa nga ito ng suntok sa kanya pero hindi nito tinuloy.
"Gag* ka Nathan! Ikaw na ang pinaka gag*ng nakilala ko!" Galit na galit na saas ni Inigo sa kanya.
Hindi siya kumibo naiintindihan niya kung bakit ganito ang galit sa kanya ni Inigo. Kaibigan at nakababatang kapatid ang tingin nito kay Ellie, hindi niya ito masisisi kung magagalig ito sa kanya ng husto, lalo na't mukhang nakapagsumbong na si Ellie rito.
"Alam mo ba ang ginawa mo kay Ellie? Iniwan mo siya mag-isa sa penthouse sa supposed to be first night niyong dalawa, honeymoon niyo. Sinaktan mo ang damdamin ng asawa mo using Lexie at saka mo siya iniwan! Anong expected mong mangyayari at mararamdaman ni Ellie?!" Galit na litanya ni Inigo sa kanya.
"Tinawagan ka ba niya?" Tanong niya rito. Kalmado na siya, dahil ayaw niyang sabayan ang galit ni Inigo. Nagagalit ito sa kanya na para bang tunay nitong kapatid si Ellie at nais nitong protektahan si Ellie. Well, sana ganun na nga, mas ok na sa kanya na kapatid ang turing nito kay Ellie.
'The F*ck yes! Sa tingin mo sino pa ba ang tatawagan niya para may makasama at mapagsabihan sa ginawa mo sa kanya!"
"Ikaw ba ang kasama niya the whole night?' He asked.
"The f*ck yes, Nathan! Na dapat ay ikaw ang kasama niya," tugon ni Inigo sa kanya.
"What happened to her? Bakit mo siya dinala dito?" Tanong niya.
"Nawalan siya ng malay sa sobrang pagod at stress. Hindi na ko magtataka kung bakit nagkaganon si Ellie,' tugon nito at masamang tingin ang pinukol sa kanya.
"Naguguluhan lang ako,' he said at nilamukos ang mukha gamit ang sariling kamay.
"Kung naguguluhan ka di sana hindi mo na lang tinuloy ang pagpapakasal kay Ellie! Hindi iyung kinulong mo siya sa iyo! Para lang pasakitan at pahirapan siya!" Galit nitong saad sa kanya.
"Alam ni Ellie na hindi ko siya mahal at ayokong matuloy ang kasal namin, pero siya itong makulit at gustong ituloy," he said. Alam niyang masyadong lame ang excuse niya. May magagawa naman kasi siya kung gusto lang niya pero wala siyang ginawa.
"The f*ck dahil mahal ka niya at alam mo iyon!" Hiyaw ni Inigo sa kanya.
"Hindi ko siya mahal at alam niya iyon!" Mabilis niyang saad sa kaibigan.
"Kung hindi mo siya kayang mahalin sana hindi mo na lang siya kinulong pa sa iyo! Sana pinakawalan mo siya," seryosong saad ni Inigo sa kanya. Napakunot noo siya, iba ang nakita niya sa mga mata ng kaibigan.
"Well, ito na rin ang ganti ko sa kanya, ang makulong siya sa pangalan ko at hindi na makapagpakasal pa sa iba. Ito naman ang gusto niya noon pa. Siya ang mapilit at nagmamadaling maikasal kame," he said na para bang nais niyang ibaling ang lahat ng sisi kay Ellie.
"She is just eighteen years old. Anong inaasahan mo sa isang eighteen years old ang mature na mag isip about the future! Ikaw ang mas nakakatanda sa kanya, ikaw dapat ang umintindi sa kanya!' Hiyaw ni Inigo sa kanya. Na para bang concern na concern talaga ito kay Ellie.
"Your ruined everything, Nathan! Hindi lang si Ellie ang sinira mo sa napaka selfish mong desisyon! Sinira mo rin si Lexie, ang pagkakaibigan ng dalawa, and now tayong dalawa!" Inigo screamed in anger sabay tulak nito sa kanya ng malakas.
"F*ck you, Nathan! Clean your f*cking mess! Assh*le!' Mura nito sa kanya.
"Alam kong concern ka kay Ellie, dahil kaibigan mo siya at para mo na rin siyang kapatid, Inigo pero bakit parang sobra naman yata ang pinapakita mong iyan, na para bang hindi mo ko kaibigan at hindi mo alam kung bakit ako nagkakaganito!" Litanya niya sa kaibigan.
"Nathan!" Galit nitong tawag sa kanya sabay hawak sa kwelo ng kanyang damit. Nagulat siya sa kinilos ng kaibigan. Mabilis niyang hinawakan ang kamay para alisin sa damit niya. Sa tagal na nilang magkaibigan ni Inigo, ngayon pa lang sila nito nagkaganito, ngayon pa lang yata sila magkakainitan at mag-aaway.
"F*ck you Nathan! Kung hindi mo naman pala siya kayang mahalin at irespeto, sana hindi mo na lang siya pinakasalan!" Galit na saad sa kanya ni Inigo na para bang kakaiba ang galit nito sa kanya.
"Bakit Inigo?" Kunot noong tanong niya.
"Sana pinabayaan mo na lang siya kesa sa sasaktan mo lang siya ng ganito!" Inigo said. Iba ang emosyon ng kaibigan na parang ang lalim.
"Kung alam ko lang na ganito pala ang balak mo kay Ellie, hindi ko sana hinayaang makasal kayo,' patuloy nito.
"Bakit ganyan ka magsalita?" He asked.
"Damn you, Nathan! You don't deserve her!" Mariing saad nito sa kanya sabay suntok sa kanya nito ng malakas na hindi niya napaghandaan kaya tumama ang kamao nito sa mukha niya. Napasadsad pa siya sa kabilang sasakyan na naka park sa lakas ng suntok sa kanya ni Inigo, ramdam niya ang galit at gigil.
"Mahal ko si Ellie!' Nagulat siya sa rebelasyon ng kaibigan. Nanlaki ang kanyang mga matang nakatingin rito at hindi makapaniwala sa narinig mula rito.
"Kung pinakawalan mo na lang sana siya para ako na lang ang mag-aalaga sa kanya, para hindi na siya masasaktan pa," patuloy nito sa kanya. Natulala siya sa kaibigan, wala siyang nagawang sabihin rito.
"Fck you!' Mura nito sa kanya sabay talikod at mabilis na sumakay sa sasakyan nito. Iniwan siyang nakatulala at hindi malaman ang gagawin sa kanyang nalaman na mahal ng best friend niya ang asawa niya.
Wala siyang nagawa kundi sundan na lang ito ng tingin. Wala siyang masabi dahil lahat ng sinabi ni Inigo sa kanya ay totoo. Sinira niya ang lahat dahil lamang sa hindi niya matanggap na minamanipula siya ng kanyang mga magulang, na mula pa pagkabata ang gusto ng mga ito ang laging nasusunod, pati na sa babaing pipiliin niyang makasama sa habang buhay ay ang mga ito pa rin ang pumili! Twenty two na siya at kaya na niyang mag desisyon para sa sarili niya, nasa tamang edad na siya. At kung hahayaan siyang magdesisyon ng mga magulang niya hindi pa siya magpapakasal ngayon, hindi niya pakakasalan si Ellie at hindi niya ito masasaktan ng ganito. Pero nangyari na ang lahat, wala na siyang magagawa pa. Kasal na sila ni Ellie. Nasaktan na niya ito. Nasira na niya ang pagkakaibigan nilang apat. Nadamay pa si Lexie na ginamit niya para mas saktan si Ellie at maipamukha rito na Lexie is way better than her. At ngayon ang rebelasyon ni Inigo na mahal nito si Ellie ang tila panibagong bangungot sa kanya at hindi niya alam kung ano ang gagawin, kung paano pa itatama ang lahat ng ito.
"F*ck!' Mura niya ng malakas at hinawakan ang pumutok niyang labi na may dugo sa malakas na suntok sa kanya ni Inigo.
He ruined everything. Tama si Inigo, siya ang sumira sa lahat, walang dapat sisihin kundi siya lang, dahil he can choose na huwag manakit pero mas pinili niyang may masaktan at saktan si Ellie ng sobra dahil lamang sa ayaw niya rito at galit siya sa asawa.